Sunday, October 7, 2012

Ang Alamat ng Kuto III [Exodus]


Naglakbay ang ating bida sa kabundukan ni Aling Dionisia.. Matagal na panahon siyang nag-akyat panaog sa dalawang bundok. Di na niya nalamayan ang oras, matagal na pala siyang paikot ikot sa toktok nito. Pabalik balik. Ang segundo ay naging minuto. Ang minuto ay naging oras. Ang oras ay naging araw. ang 365 1/4 na araw ay isang taon. Pwera na lang kapag leap year, ito ay 366 days. Kung di mo alam yan, malamang natulog ka lang sa klase nung Grade III.

Di naglaon, napagtanto ng ating bida na siya ay naliligaw na sa kabundukan ni ALing Dionisia. Malabo na niyang matupad ang kanilang usapan ni Babaeng Kuto , magkikita sila sa kanilang tagpuan pagkalipas ng 3 araw. Kung may sumpa man ang kabundukan na ito, para magpabalik balik ang isang estranghero, dapat na itong mabali. Napag-isip ang ating bida,  Sa ganitong pagkakataon,di naman siguro masamang subukan ang mga pamahiin. Maaring ang mga ito ng may bahid ng katutuhanan. Dahil kung hindi wala ng maniniwala sa pamahiin. Di ba?! Kagaya na lamang ng pagtatanim ng kamote. May kasabihan na kapag gusto mong malalaki ang maging bunga ng kamote, kailangan mo itong itanim sa ilalim ng bilog na buwan NA hubot hubad. Di ba't ginawa nga ito ni Totoy Mola??? Nagtanim siya ng kamote sa kabilugan ng buwan ng walang saplot. Pagkalipas lamang ng 3 buwan ay umani siya ng gaUpo na kamote. Pero. Pero. Pero. Di ba't nang mabalitaan ni Lolo Gusting ang tagumpay ni Totoy Mola, ginaya rin niya ito. Sa kasamaang palad, ang kamote na naani ni Lolo Gusting ay kulubot na at gaHinliliit lamang ang laki???

Ngunit, ano nga ba ang talagang dapat gawin kapag naliligaw???

May kwentong, kapag naligaw ka sa bundok ng Sierra Madre, dapat mong baliktarin ang iyong damit upang mahanap mo ang daan palabas ng bundok. Tama! Naisip niyang wala namang masama kung susubukan niya. Aktong maghuhubad na ang ating bida upang baliktarin ang damit ng...


"Alas, napordos pa! Pano ko naman babaliktarin ang damit ko? Eh Kuto nga ako,di ba? Kuto ako! Saan ka naman nakakita ng kuto na may damit?aber?!"

OO nga naman, kuto nga naman yung bida natin dito. Ang noob naman ng author, di makatotohanan.

At nagpatuloy na maglakad si Lalaking Kuto. Paikot ikot, nagbabakasaling sa susunod na liko ay makita na niya ang lagusan. Lagusan palabas ng bundok na ito. Habang dahan dahan niyang nilakbay ang susunod na kanto, meron siyang naaninag. Isang nilalang. OO nga, isang himala ang nangyari. May nakita siyang isang nilalang na magtuturo sa kanya ng daan palabas ng bundok. Ang magbibigay ng patnubay. Sa wakas, makakalabas na siya ng bundok. Matatakasan na nia ang pagkaligaw. Maipagpapatuloy ang paglalakbay. Makakahanap ng malilipatang gubat. Ang magbibigay daan upang matapos na ...

ang chapter na to. :D

Dali daling nilapitan ni Lalaking Kuto ang nilalang. Isa itong lalaki. Maraming kataga ang maari mong masambit upang magdescribe sa itsura nito. Pero isa lang ang tumatak sa isip ng ating bida. Ang lalaki ay (malamang) walang  girlfriend, o asawa o kahit anumang pwedeng maging karelasyon. Period.

Nagaalinlangan man si Lalaking Kuto na lapitan ang nilalang, nilapitan na nia ito. Sa kadahilanang kating kati na syang makaalis sa lugar na iyon.

"Hi! I'm Lalaking Kuto ang bida sa kwentong ito.. and you are...?"

"My precioussssssssss...sss...s..s.s.s.s.s."

"Wow, what a name..can i just call you mai?"

"My precioussssssssss...sss...s..s.s.s.s.s."

"Oo nga mai pricious na nga.."

"My precioussssssssss...sss...s..s.s.s.s.s.  Ko naman, tinapakan mong precious kong sapatos. Bagong bago pa yan! Kabibili ko lang nian sa divisoria"

"ooops! sori naman. Paa mo pala yan. Sori! Di ko naman alam eh. Kala ko tae lang."

"Anong bang kailangan mo?!"

"Eh, nawawala na kasi ako dito.. kailangan ko ng tour guide. "

"Tour guide ba kamo?! eh magaling ako jan. Lahat ng pasikot sikot dito ay alam ko. kahit bali baliktarin mo tong lugar na to, kabisado ko to. Di mo na naitatanong eh, dati akong snatcher dito. kaya alam ko lahat ng kalye at iskinita dito. Saan bang punta mo iho?"

"Sa Paraiso sa ibaba ho. Eh bat ho kayo natigil sa ganong gawain?"

"Ala eh, minsan kasi'y may naisnatch ako. Kala ko swerte. Pagtingin ko'y bag pala ng suicide bomber ng 9/11. May id pa eh, bin ladden ang pangalan. Pagbuklat ko pa'y, sumabog na sa mukha ko. Kaya tinigilan ko na eh. Buti pang mag rugby boy na lang ako."

"Ganon ho ba? Eh, payag na ho ba kayong maging tour guide ko?"

"sige ba, magkano bang bayad?"

"Eh,wala na rin ho akong pera dito, pero kung gusto nio eh sayo na tong damit ko pagkatapos."

"O sige ba..pero meron pa akong isang tanong.."

"Ano ho yun? sabihin nio na ho."

"Nasaan na ba tayo iho? alam mo ba?..."

Pagkalipas ng 2 oras at isang drum na kape, lumipas din ang tama ng nilalang na tatawagin natin sa pangalang Private Mai. Nang medyo malinaw na ang pagiisip nito, labag man sa kanyang loob, tinupad pa rin nia ang kanilang usapan na itour guide ang ating bida.

Naglakbay ang dalawa sa isang malawak at mainit na desyerto. Tiniis nila ang skin burn at ultraviolet rays upang marating ang paraiso. Kahit gaano katindi ang sikat ng araw ay tiniis nila ito.

Pagkalipas ng tatlong araw...

"Ito na master ang bukana ng paraiso"

"Ito na nga ang paraiso. Malalago ang mga puno dito. Magiging maligaya kami ni baket dito."

Aktong papasok na si Lalaking Kuto ng hilahin siya ni Privatee Mai.

"Shhh master. Paparating na ang bantay ng paraiso. Magbabangis ang mga yan. Kumakain sila ng buhay na kuto!"

"Ha! Anong gagawin natin?"

"Dito master. Dito. Magtago ka dito sa invisibility cloak ko. bilis!"

"anong meron tong invisibility cloak mo? anong magagawa nito?"

"Duh! ano ka iliterate? di ka ba nakakaintindi ng english? Invisibility! ibig sabihin, magiging matibay ka. Parang superman, walang damage. Ito kaya gamit ni HP kaya di sia mapatay ni Voldemort. Noob mo naman!"

"ahhh ganon ba? sige. Pero pano to? pano ko makakapasok sa loob kung may bantay dito sa bukana?"

"bakit ba gusto mong pumasok sa loob?"

"basta importanteng makapasok ako sa loob"

"weee di nga?"

"OO"

"kahit sabihin kong may crabs jan, at me clamidia?"

"OO" (ano ba un?) "kailangan kung makahanap ng malilipatan namin ng asawa ko"

"o sige. kung mapilit ka eh."

"pero pano nga tau makakakapasok jan?"

"may alam  akong backdoor master. wag kang mag-alala. babackdooren natin si aling dionisia."

at naglakbay ang dalawa patungo sa backdoor ng paraiso....


Next on Ang Alamat ng Kuto (The Boxer)

Friday, October 5, 2012

Ang Alamat ng Kuto [The Reasons]


Ang Alamat ng Kuto (The Reasons)

Ang nakaraan:

Nagambala ang maligayang pamumuhay na mag-asawang kuto dahil sa pagnipis ng kanilang tinitirhang gubat. Naggayak si lalaking kuto upang mag-imbestiga..

at ang pagpapatuloy:


"Hay, gabi na wala pa rin si Lakay. Ano na kayang nangyari sa kanya.. Gutom na 'ko..tunaw na yung kinain kung pansit na walang sahog kaninang merienda ah..tagal naman ni Lakay."

Hindi nagtagal, may narinig siyang alingasngas sa may likod bahay. At nakita  niang dahan dahan at ingat na ingat sa pagpasok ng bahay si Lalaking Kuto.

"Aba! Magaling na lalaki, bakit ngayon ka lang?! kanina pa kita hinihintay.. Ano ng nangyari sa pag-iimbestiga mo?"-pasigaw na sambit ni Babaeng Kuto.

"Ha! Uu nga pala, nakalimutan ko. Napadaan kasi ko sa may kanto. Nagkayayaan ng 5v5..dota."

"Utot kalayo ka Lakay! Mas inuna mo pa ang dota!"

"Baket naman...wag ka ng magalit"

"Sino bang mas mahal mo?Ako o Dota?"

("Tinatanong pa ba yan?! memorize na yan, dota xempre...")

"Okay lang yan Baket, panalo naman eh..Itong beinte, oh, balato mo :D"

"hmmmm sige na nga..Pero next time wag ka ng magbabackdoor ha.."

"UU nga pala baket, nabasa ko kanina.May bagong proclamasyon si Icefrog. Ito yung Presidential Decree No. 6.70C - Anti-Facial Hair act. At dahil dito, lumakas ang benta ni razor ng gillete. At halos lahat ng ai nagtatangal ng balbas at begoti."

"uhmm marahil ito na ang dahilan ng pagnipis ng kagubatan. dahil sa presidential decree na un, napipilitan magtangal ng balbas si Aling Dionisia. Di maglalaon, mawawalan na tau ng titirhan lakay. Mapapalayas taung parang skwater sa ating lugar. Ano ng gagawin natin??????"

"Sa bandang ilong, mabuhok din yung ilong ni aling dionisia.baka maari tayong makisilong dun"

"Hindi pwede dun, uhugin sia. Tsaka baka masinghot lang tayo kapag tumira sia ng coke."

"Sa bandang baba ng balikat, may maliit na gubat din dun."

"Ha! Napuntahan mo na ba yun?"

"hindi pa, bakit?"

"Kaya pala eh, di ka pa pala nakalapit sa banda doon. nakakasulasok kaya ang amoy ng lugar na yun. Twing nagagawi ako dun, naaalala ko yung supervisor namin sa encoding company noon. kamusta na kaya sia? naliligo na kaya sia?"

"ewan ko, parang di pa rin.."

"waaaaaaa! bakit ba yan ang pinag-uusapan natin. Meron tayong urgent matter at hand."

"Pero wala na kong maisip na iba na pwede natin puntahan. Sa palagay ko kailangan na natin lisanin ang lugar na ito. Maglalakbay tayo. Hahanap tayo ng ibang lugar na pwede tayong magsimula ulit. Ng walang gagambala sa ating kaligayahan."

"matatagalan tau kung magsasama tayo. Mas madali kung maghihiwalay tayo ng landas. "

"Sige, maglakbay ka paakyat. Tignan mo kung may makikita kang magandang malilipatan duon. Ako naman ang maglalakbay pababa. Titignan ko kung may makikita ako pagkalagpas ng dalawang bundok na yun na abot ng aking tanaw. Matagal na rin akong di nakakapaglakbay sa ganong katayog na bundok."

"Deal. Bukas, sisimulan na natin. Magkita ulit tayo dito pagkalipas ng tatlong araw."

"Oki doki!"

"Magpahinga na tayo lakay. Matagal-tagal taung di magkikita,mamimiss kita. Tara na sa kuarto."

"hmmmm tempting pero mas tempting yung bundok...ay este.. kelangan kung magipon pala ng lakas baket. Mataas ang bundok na aakyatin ko sa aking paglalakbay. Tsaka napagod ako sa pagbackdoor kay lina at medusa."

"tse!"

Kinabukasan...

"Mag-iingat ka baket sa iyong paglalakbay ay makakarating din sa paroroonan. at sa iyong paglisan, ang tanging pabaon ko ay pag-ibig."

"kuripoT! Sige, magkita tayo pagkalipas ng 3 araw dito."

At tinahak na ng dalawang kuto ang kanya kanyang daan.


Susunod sa Ang Alamat ng Kuto:

Ang Alamat ng Kuto (Exodus)

Wednesday, October 3, 2012

Ang Alamat ng Kuto [Genesis]


Ang alamat ng Kuto (Genesis)

Nung unang panahon, di pa uso ang gillete. May dalawang mag-asawang kuto na naninirahan sa may bangin ng baba ni Aling Dionisia. Maligayang nag-sasama ang mag-asawang kuto. Malago at mahahaba ang balbas ni Aling Dionisia. Masayang naghahabulan at naglalampungan ang mag-asawang kuto mula umaga hanggang pagsapit ng dilim. Maraming taon ang lumipas, matagal na silang kasal ngunit wala pa rin silang supling. Kahit anong sikap ang gawin ni lalaking kuto, di nia mapunlaan si babaeng kuto,

Hangang isang araw....


"Lakay, lakay, masamang balita. Unti unti nang nanipis ang gubat na ating tinitirhan.. tingnan mo sa banda pa roon. Wala na ang dating malagong buhok na ating pinaglalambitinan..", pahangos na wika ni Babaeng Kuto.


"Aba, uu nga noh?! Akalain mo,,napapanot rin pala ang balbas..."

"Pano na to Lakay?"

"Pupunta ako sa dulo ng gubat upang mag-observe..Hahayo muna ko sa dako pa roon.."

"Mag-iingat ka lakay", ang huling habilin ni babaeng kuto.

Sumapit na ang dilim ngunit 'di pa rin bumabalik si Lalaking Kuto. Ramdam na ni babae ang kaba. Di na nia alam ang kanyang iisipin.

"Ano na kaya ang nangyari kay Lakay. Nahulog na ba sia sa baba ni aling Dionisia? Iniwan na ba nia ko? sumama na kaya sia sa ibang Kuto? Natuka na ba sia ng manok..Nakakain na kaya sia ng dugo? Fertile pa naman ako... Malalampasan na naman ba nia ang pagkakataong mabuntis ako mamayang gabi....."


at maraming pang walang kwenta ang naiisip ni babaeng kuto.


Ngunit ano nga ba talaga ang nangyari kay Lalaking Kuto? Bakit nga ba nanipis ang balbas ni Aling Dionisia? Malalaman natin ang kasagutan, sa susunod na kabanata ng .....

Ang Alamat ng Kuto


Up Next:

Ang Alamat ng Kuto (The Reasons)